PINABULAANAN ng Malakanyang ang ulat na tumanggi ang Estados Unidos na bayaran ng “cash” ang P58 milyon danyos sa Tubbataha Reef.
“That’s not true,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.
Aniya, personal niyang nakausap si DFA Sec. Alberto del Rosario hinggil sa bagay na ito kung saan ay tiniyak nito sa kanya na magbabayad ng “cash” ang gobyernong Obama ng P58 milyon sa Pilipinas.
“That’s not true. I spoke to Senator—Secretary (Albert) del Rosario. In fact, Secretary Del Rosario informed me that he spoke to Secretary John Kerry—State Secretary John Kerry about it and there was a commitment to pay cash,” ani Sec. Lacierda.
Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung saan nagmula ang balitang ito na para sa kanya’y walang batayanh.
“So I don’t know where this story about not paying in cash came from. That was very clear and also today, this morning, I confirmed with DFA Spokesperson Raul Hernandez and he informed me that the United States government is going to pay in cash,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.
Samantala, tatanungin muna ng Malakanyang sa DFA kung kailangan na nitong magpadala ng humanitarian mission at assistance sa China matapos mamatay bunsod ng malakas na paglindol doon.
“Tatanungin po natin ang DFA kung ano ang action. Baka meron na silang action na ginawa. We just have to update lang. We’ll update you on that point,” ayon sa opisyal.
Noong Enero 17, sumadsad ang USS Guardian sa Tubbataha Reef habang naglalayag ito patungong Indonesia matapos makumpleto ang tinatawag na port call sa Subic Bay.
Sinasabing umabot ng dalawang buwan bago pa naalis ng mga opisyal ng Pilipinas at US ang barko sa nasabing lugar.
Ayon sa Tubbataha Management Office, ang nakapinsala ang USS Guardian ng 2,345.67 square meters ng itinuturing na marine protected area.
Dahil dito, humirit ang Philippine government ng P58 million na multa mula sa US para sa damage sa nasabing reef.