Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Sonny pinaalalahanan ang AFP, PNP na maging alerto

$
0
0

NANAWAGAN si Team Pnoy senatorial candidate Edgardo “Sonny” na muling pagtuunan ng pansin ang kakayahan ng bansa na malagpasan at makabangon sa pag-atake ng mga terorista matapos ang twin bombings sa Boston noong Abril 15.

Ayon kay Angara, ang pangyayari sa Boston na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasugat ng mahigit sa 100 ay isang malagim na paalala sa pulis at military na dapat silang maging laging alerto sapagkat ang terorista ay maaaring umatake anumang oras at saan mang lugar.

Sinabi niya na sa kabila ng mga pagsulong sa kaalaman ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Philippine National Police sa surveillance at intelligence operations, nananatili pa rin ang panganib sa seguridad.

Binigyang diin ni Angara ang kahalagahan ng paglalagay ng surveillance cameras at pagdaragdag ng pulis sa mga pampublikong lugar tulad ng mall, istasyon ng tren, mga pinaggaganapan ng palarong pangkalusugan, kaganapang pang-edukasyon at rally sa pulitika.

Nagpahayag din ng pakikiisa si Angara sa mga Amerikano sa kanilang “pagharap sa malagim na pangyayari sa Boston, kasabay ng hamon upang mahanap ang kahalagahan ng demokrasya, kapayapaan at pagiging mapitagan.”

Nagbunyi ang Boston ng mapatay ang isa sa dalawang salarin sa Boston Marathon twin bombings noong Lunes at mahuli ang nakababatang kapatid nito noong Linggo.

Naniniwala si Angara na muling makakabangon agad ang Amerika sa trahedya sa Boston at Texas katulad ng kanilang muling pagbangon sa pag-atake ng terorista noong 9/11.

Sinabi ni Angara palaging may mga puwersa sa buong mundo na mas pipiliin na may masayang na buhay kaysa talakayin ang usaping hindi pinagkakasunduan.

“Sa ganitong konteksto, natatangi ang mga kandidato sa pagkasenador ng Team Pnoy at UNA at ang kanilang mga ginagawang pagpapalitan ng kuru-kuro at pagdedebate ay dapat na pahalagahan,” iginiit ni Angara.

“Ikinalulugod ko na ako ay bahagi ng ganitong kampanya, isang kampanya na tumatalakay sa mga mahahalagang usapin kaysa siraan ang pagkatao ng isang kandidato” dagdag pa niya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan