Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

UPDATE: 6 sa 13 pugante sa Negros, naaresto na

$
0
0

ANIM na sa 13 presong tumakas sa Sagay City Jail sa Negros Occidental ang naaresto ng mga awtoridad.

Sa report sa radyo, nadakip ngayong Sabado sina Joemar Levester, nahaharap sa kasong rape; Jimmy Vistar, Joselito Substinente at Joenard Quirante, na pawang nahaharap naman sa kasong murder.

Nakitang nagtatago ang apat na pugante sa isang taniman ng tubo sa Hacienda Alvina, sa Barangay Rafaela Barrera.

Una nang nadakip kahapon (Biyernes) ang dalawa pang pugante na sina ake Espanalo at Rolando Bajo, na sinasabing pasimuno ng jail break.

Nalambat ang dalawa sa isang bus terminal sa Cadiz City.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya ang pito pang presong nakapuga.

Kaugnay ng jail break, tatlong jail officer ng nasabing bilangguaan ang sinibak na sa puwesto ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>