Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Parameter sa pagbibigay ng permit sa fun runs, marathons ipinalilinaw

$
0
0

KAILANGAN munang makausap ng Malakanyang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang malaman kung ano ang parameters ng pagbabawal ng pagdaraos ng fun run sa bansa matapos ang nangyaring pagbomba sa Boston Marathon.

Ayon  kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, kailangang linawing mabuti ng MMDA ang posisyon nila lalo pa’t maraming sector ang sumusuporta sa fun run.

Naniniwala ang Malakanyang na kailangang ihayag ng MMDA ang kanilang saloobin dito dahil kung ang irarason ay matinding trapikong resulta ng fun run ay dapat pa rin nilang ipaalam sa publiko.

“We’ll have to speak to them kung ano po ‘yong magiging parameters ng pagbabawal na ‘yan. Unang-una po, I understand that whenever there is a marathon or a fun run that is conducted, especially along major thoroughfares, humihingi po ‘yan ng permit sa MMDA,” ayon kay Usec. Valte.

Nauna rito, sinabi ni US President Barack Obama na tapos na ang chapter ng Boston bombing.

Kanina ay hindi nagbigay ng permit ang MMDA para sa kahit na anumang fun run dahil sa nangyaring pagsabog sa Boston Marathon.

“Baka may gumaya kaya hindi muna tayo nag-grant ng permit. Mas mabuti ang nag-iingat kesa masyado tayong relax,” ayon kay Vincent Lizada ng MMDA.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>