NANINIWALA ama ng magkapatid na suspek sa Boston Marathon bombing na na-frame up lamang sila.
Sinabi ni Anzor Tsamaev, ama ng mga suspek sa isang panayam mula sa Russia na isang “true angel”ang kanyang anak na si Dzhokhar, 19-anyos.
“He is such an intelligent boy. We expected him to come on holidays here.”
“Someone framed them. I don’t know who exactly did it. But someone did. And being cowards, they shot the boy dead. There are cops like this.” wika pa ng ama ng mga suspek.
Kahapon, napatay sa bakbakan ang isa pang anak nitong si Tamerlan, 26-anyos, habang nakatakas si Dzhokhar na pinaniniwalaang nasugatan.
Ngunit natunton at naaresto rin si Dzhokhar matapos na isang residente sa Watertown ang nagbigay ng impormasyon sa Boston police na isang duguang lalaki ang nakita sa isang bangka sa nasabing lugar.
Humantong ito sa pagkakakorner ng mga pulis kay Dzhokhar na ngayon ay nasa ospital na matapos na magtamo ng tama na bala sa leeg at binti.
Si Dzhokhar, ang nakasuot ng puting sumbrero sa litrato na unang inilabas ng Federal Bureau of Investigation, ang nakitang naglapag ng bag sa lugar na pinagsabugan ng ikalawang bomba.