NAPAUWING bigla mula sa pangangampanya ang dating mayor ng Bambang, Nueva Vizcaya matapos looban ng mga magnanakaw ang kanyang bahay sa Quezon City, Biyernes ng hapon.
Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na natangay sa biktimang si dating Bambang Mayor Benjamin Cuaresma ang P100,000 cash at P250,000 na mahahalagang kagamitan kasunod na panlolob sa kanyang bahay sa Maryland Street, sa Barangay Immaculate Conception.
Sinabi ni Superintendent Marcelino Pedrozo, hepe ng Kamuning police station na sinamantala ng mga magnanakaw ang pagkawala ni Cuaresma na tumutulong mangampanya para sa kanyang nanay na tatakbo sa kanilang probinsya bilang congresswoman sa susunod na eleksyon.
Giniba ng mga magnanakaw ang pintuan ng bahay ni Cuaresma, na ang nanay ay dating gobernador ng Nueva Ecija, pahayag ni Pedrozo.
Umalis ang dating mayor sa kanyang bahay dakong alas-7:00 ng gabi nitong nakaraang Lunes para umuwi sa Nueva Ecija at pinutol ang kanyang biyahe nang maiparating ng kanyang kapitbahay ang insidente.