Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

PNoy: Pagkakasama sa ’100 Most Influential People’ ng Time utang na loob sa sambayanan

$
0
0

UTANG na loob ni Pangulong Benigno Aquino III sa taumbayan ang pagkakasama niya sa unang pagkakataon sa “100 Most Influential People” ng Time Magazine.

Para sa Chief Executive, ang patuloy na ipinakikitang suporta at kooperasyon ng sambayanang Filipino sa kanyang liderato ang dahilan kaya’t nakasama ang kanyang pangalan sa nasabing prestihiyosong babasahin

“Ito po ay dahil sa inyong lahat,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

Sa panig ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, na ito ay pagkilala sa liderato ng Pangulo na nagpanumbalik sa respeto at bumago sa pagtingin ng mga Pilipino at ng mundo sa ating bansa.

“ We take pride in how the ideas of good governance and inclusive growth that are the major thrusts of the Aquino presidency resonate not just with Filipinos but with the entire world. This is especially relevant today, as countries all over are trying to become more inclusive economically, politically, and even culturally, President Aquino is already doing it in the Philippines,” ayon kay Lacierda.

Ang Time 100 list ay may limang kategorya na kinabibilangan ng Titans, Leaders, Artists, Prioneers at Icons. Nakasama ang pangalan ni Pangulong Aquino sa listahan ng mga Leader kahanay si US President Barack Obama.

“President Aquino was recognized for stabilizing and invigorating the economy, for his leadership in pushing vital legislation such as the Reproductive Health and Responsible Parenthood law, as well as his bravery and regional leadership in asserting our national sovereignty in the West Philippine Sea.”

“The article is a recognition of the true grit which characterizes his leadership, and the optimism, dynamism and renewed pride which has restored the standing of our nation in the eyes of Filipinos and the world.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>