Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

DOLE nagbabala sa pagkalat ng pekeng resibo ng OWWA

$
0
0

NAGBABALA sa mga overseas Filipino worker ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa pagkalat ng pekeng resibo ng OWWA.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na nakatanggap sila ng impormasyon mula kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon hinggil sa nadiskubre nilang pagkalat ng mga pekeng resibo ng OWWA.

Hinihimok ni Baldoz ang mga OFW na kaagad na isumbong sa DOLE ang sinumang indibidwal na sangkot sa pamemeke ng OWWA receipt para masampahan ng kaso sa korte.

Sa paunang imbetigasyon, ang pirma umano sa pekeng mga resibo ay hindi tumutugma sa pirma ng mga OWWA collecting officer at ang numero sa resibo ay hindi kasama sa serye ng mga official receipt numbers ng OWWA.

Naipalam na rin umano ng OWWA ang impormasyon kay POEA Administrator Hans Cacdac.

Kumikilos na rin ang legal division ng OWWA para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa posibleng pinagmumulan ng mga pekeng resibo.

Kabilang sa sisiyasatin ay ang mga liaison officer ng mga lisensyadong recruitment agency na nakatalaga sa POEA, OWWA at POEA Central Office sa Ortigas Avenue sa Mandaluyong, gayundin ang mga cashier ng OWWA na naka-assign sa POEA Satellite Office.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>