Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

PNoy, US armies pinananagot sa pagsadsad ng US Guardian

$
0
0

MAKARAAN ang pagsadsad ng sasakyang pandagat ng Amerika sa Tubbataha Reef, naghain ng petition for writ of kalikasan ang iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng mga environmentalist, church leaders at mga militante sa Korte Suprema.

Sa kanilang 90-pahinang petisyon, hiniling ng 19 petitioner sa Kataas Taasang Hukuman na magpalabas ng Temporary Protection Order para sa Tubbataha, pagmultahin ang Estados Unidos ng 12 beses na mas malaki kaysa sa paunang estimate na 58 million pesos na halaga ng danyos na dapat nitong bayaran at usigin ang mga opisyal ng USS Guardian.

Nais din ng mga petitioner na iutos ng Korte ang pagpapatigil sa US war games sa bansa gayundin ang pagdaong ng mga barko ng Amerika habang wala pang malinaw na panuntunan sa pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan sa ilalim ng Visiting Forces Agreement.

Ang petisyon na tumukoy sa mga paglabag sa right to a balanced and healthful ecology at Tubbataha Reefs Natural Park Act of 2009 ay inihain eksaktong tatlong buwan matapos ang pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha.

Ito ang unang pagkakataon na may isinamang mga dayuhang sundalo sa petisyon para sa Writ of Kalikasan at kabilang nga sa mga pinangalanang respondent sina  Scott H. Swift, Commander ng U.S. 7th Fleet; Mark A. Rice, Commanding Officer ng USS Guardian; President Benigno S. Aquino III bilang Commander-In-Chief ng AFP Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., Defense Secretary Voltaire T. Gazmin Environment Secretary Ramon Jesus P. Paje, Vice Admiral Jose Luis M. Alano, Philippine Navy Flag Officer In Command, Armed Forces Of The Philippines,Admiral Rodolfo D. Isorena, Commandant ng Philippine Coast Guard at mga opisyal ng Balikatan Exercises

Kabilang naman sa mga petitioner sina Bishop Pedro Arigo ng Puerto Princesa, Bishop Deogracias Iniguez, Jr., Clemente Bautista Jr. ng Kalikasan-Peoples Network at Renato Reyes ng grupong Bayan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>