MAY 48 katao na ang naitalang namatay sa naganap na lindol sa Iran at inaasahang tataas pa ang bilang.
Nabatid na 40 ang inisyal na namatay sa Iran, habang walo naman sa Pakistan.
Inaasahan naman ng Iranian government na tataas pa ang bilang ng casualty dahil ilang gusali ang bumigay at hindi pa maaksyunan ng rescuers.
“It was the biggest earthquake in Iran in 40 years and we are expecting hundreds of dead.”
Nauna nang naitala ng US Geological Survey ang 7.8 magnitude na lindol na naramdaman din sa New Delhi at Gulf cities ng Dubai at Bahrain.
Agad na ring naputol ang linya ng komunikasyon sa lugar.
Huling nakaranas ng 6.6. magnitude na lindol ang Iran noong 2003 kung saan 25,000 katao ang namatay.