NAITALA kanina ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila Abril 16, 2013 (Martes).
Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumalo sa 36. 1 degrees celsius ang temperatura sa Metro Manila kanina.
Sinabi ni Malou Rivera, supervisor forecasting center ng PAGASA, alas-3:00 ng hapon kanina naitala ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila sa Quezon City Science Garden.
Nabatid pa sa ulat na dakong 1:50 ng hapon kanina nang tumaas sa 35. 5 degrees celsius ang temperatura sa Quezon City Garden.
Subalit pagsapit ng alas-3:00 ng hapon ay umakyat ito sa 36.1 degrees celsius.
Kaugnay nito, ayon pa kay Rivera umabot naman sa 36.8 degrees celsius ang temperatura sa Cabanatuan dakong alas 2:00 na hapon.
Idinagdag pa ni Rivera na maaari pang uminit ang panahon hanggang sa ikalawang linggo ng Mayo.