ITINUTURING na dahil sa pagkatalo noong Disyembre ni Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Juan Manuel Marquez kaya nagkasunod-sunod na rin ang kamalasan ng iba pang pambatong boksingero ng bansa.
Ito ay makaraang matuldukan na kanina ang ika-12 taong pamamayagpag sana ni Nonito Donaire nang talunin ng Cuban na si Guillermo Rigondeaux sa Radio City Music Hall.
Matatandaan na nitong buwan din ay natalo ng Mexican boxer na si Juan Francisco Estrada at maiuwi ang WBO at WBA flyweight world titles via split points decision si reigning champion Brian Viloria sa Macau.
Ayon sa ilang boxing lover, dahil sa kamalasan ni Manny kaya nadamay na rin at nawalan ng inspirasyon ang mga pambatong boksingero na tinitingala siya bilang idolo.
Kanina, tuluyang nasira ang kumpiyansa ng Pinoy boxing fans nang talunin ni Rigondeau via unanimous decision: 114-113; 115-112 at 116-111.
Kamakailan lamang, tinanggap ng Filipino four-division world champion ang parangal bilang “2012 Fighter of the Year” ng Boxing Writers Association of America (BWAA).