DAHIL sa selos kaya nagawang kitlin ng isang ginang ang sariling buhay sa Sitio Manaulan, Barangay Cudian, Ivisan, Capiz.
Nakabitin na sa isang puno nang matagpuan ang biktima na si Mary Jane Macabolo na agad dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Hinala ng live-in partner ng biktima na si Joel Castor na posibleng ang pagiging selosa nito ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.
Lagi aniya siyang pinagbibintangan ng ginang na may babae kasabay ng banta na magpapakamatay kapag kanyang ipinagpalit sa iba.