HANGGANG ngayon ay hindi pa rin magawang dumalaw ng isang dalagita sa burol ng kanyang 13-anyos na nobyo matapos mamatay sa kanilang pagbibiruan sa Camarines Sur.
Nabatid na nasa tabi ng ilog ang magkasintahan nang basta na lang itulak ni “Kyla” hindi tunay na pangalan ang kanyang nobyo na si Leonardo “Jimboy” Paraiso na nagkataon palang hindi marunong lumangoy, kanyang ikinamatay.
Sa pahayag ng ina ng biktima, nagpaalam sa kanya ang anak na magtutungo sa ilog sa Bula, nasabing lalawigan para bantayan ang kapatid nito na noon ay nagsu-swimming din.
Pero laking gulat na lang niya nang ibalitang patay na ang anak matapos malunod.
Aminado naman si Kyla na hindi niya magawang sumilip sa burol ng kasintahan dahil labis ang kanyang pagsisisi sa kanyang nagawa lalo’t ang lahat aniya ay dahil lang sa kanilang biruan.
Bukas naman ang pamilya Paraiso na patawarin si Kyla nang amining hindi niya sinasadya ang insidente sa pag-aakalang marunong lumangoy ang kasintahan.