Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Batang nawala pa sa QC natagpuan na

$
0
0

NAIUWI na ng tunay na magulang ang tatlong gulang na batang lalaki na iniulat na nawawala noon pang Linggo sa Quezon City matapos isauli ng nakapulot sa Pasay City Police kanina.

Halos hindi mailarawan ang nadamang kasiyahan nang magkasamang muli ang nawalang si John Gabriel Calimag at mga magulang nito na sina Grace at Joel Calimag makaraang magtagpo sila sa harap mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Leonardo Espina sa tanggapan ni Pasay City Police Chief Senior Supt. Rodolfo Llorca sa Pasay City.

Dinala ng mag-asawang Alexander at Jennifer Cruz,  ng 2554 Zamora St., Pasay ang bata sa Police Community Precinct (PCP) 5 ng Pasay police matapos mabasa sa pahayagan ang pagkawala ng bata.

Sa pahayag ng mag-asawang Cruz kay Espina, nakita nila ang bata na umiiyak noong Linggo ng gabi sa MRT Station sa Kamuning matapos silang maningil ng pautang sa naturang lugar.

Dagdag pa ng mag asawa, nagpasya silang kupkupin muna ang bata sa pangambang may mangyari pang masama rito at muli na lamang isauli kapag natunton na nila ang mga magulang nito.

Sinabi ni Cruz sa pulisya na hindi kaagad niya naipagbigay alam sa awtoridad ang pagkupkop sa bata dahil piyesta opisyal noong Martes at naging abala silang mag-asawa noong Miyerkules kaya’t  kanina lamang sila nagtungo sa pulisya upang ipabatid ang pagkakapulot sa bata.

Una nang iniulat ng mag-asawa ang pagkawala ng kanilang anak noong Linggo ng gabi matapos na lumabas ng kanilang bahay sa 208 NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City upang sundan ang ama na nagtungo sa talipapa upang mamalengke.

Muling nilinaw ni Espina na walang nagaganap na kidnapping ng mga bata sa Metro Manila at nagkataon na nagkasunod-sunod lamang ang pagkawala ng mga bata na hinihinalang naligaw lamang matapos mawalay sa mga magulang.

Nagbigay din ng tagubilin si Espina sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak upang hindi ito mawala.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>