HINAMON ngayon ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Berandette Herrera-Dy ang mga papasok na kongresista sa 16th Congress na suportahan ang panukalang itaas ang multa sa sisira sa Tubbataha.
Sa panukalang ito ng kongresista ay nakapaloob ang pagsusulong na itaas ng 700 porsiyento ang multa sa sisira sa Tubbatahan Reefs.
At ang cash penalty aniya ay dapat na maitaas tuwing ika-limang taon kapag nagpatuloy ang pagsira sa Tubbataha Reef National Marine Park.
Ginawa ng kongresista ang paghahamon sa mga bagong manunungkulan sa Kongreso matapos na sadsaran muli ng isang Chinese vessel ang kilalang “world famous marine sanctuary” sa teritoryo ng Pilipinas.
Ang pagsadsad na ito ng barkong pangisda ng China ay naganap ilang araw matapos na tuluyang maiahon ang naunang sumadsad na USS Guardian kung saan ang hinihinging multa ng Pilipinas ay nasa $1.4 milyon para sa danyos.
“It is better to follow what is provided under the law. There may not be a price tag for even the slightest damage to our treasured Tubbataha but our character as Filipinos must also be protected,” ani Herrera-Dy.