Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

P50-M proyekto inilaan sa mga magsasaka sa Zambo Sur

$
0
0

MGA magsasaka sa Zamboanga del Sur ang makikinabang sa mga proyektong ilulunsad ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mas pinaigting nilang support services sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).

Kamakailan lamang pinangunahan ni DAR Secretary Virgilio de los Reyes ang  groundbreaking ng  P46.3-million farm-to-market road at tatayuan ng health station at namahagi rin ng makinarya para sa bukirin sa munisipalidad ng Tigbao, Zamboanga del Sur.

“These infrastructure support services are meant to increase the farm productivity of agrarian reform beneficiaries,” De los Reyes said.

Ani Delos Reyes, makikinabang ang may 300 mga baneficiaries na magsasaka at 6,439 na mga local na residente sa itatayong Begcalli Agrarian Reform Community Health Station na nagkakahalaga ng P1.09 million at pagsesemento sa 5.8-kilometer na habang kalsada sa  Begong-Limas.

Ayon kay DAR Regional Director Julita Ragandang, ang kalsada aniya ng Begong at Limas ay mabato at maputik kapagka tag-ulan pero sakaling maisaayos na ang kalsada at mababawasan na ang oras ng biyahe ng mga kalakal at malaking tulong rin sa mga residente sa kanilang pagbibiyahe .

Ibinahagi na rin ni De los Reyes ang may 15 units ng ibat-ibang makinarya na nagkakahalaga ng P3.16 million sa may siyam na organisasyon ng mga magsasaka kung saan mayroong 4,800 na bilang na  agrarian reform beneficiaries.

Malaki aniya ang maitutulong ng mga makabagong makinarya sa pagsasaka na ipinamahagi sa ilalim ng Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCCESS) ng DAR na layong na maiangat ang kita  ng mga ARBs tungo sa pagiging mahusay na  negosyante at kapabilidad sa pagsasaka.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan