Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bilang ng ex-policemen na sangkot sa drugs, dumarami

$
0
0

LUMOLOBO ang bilang ng dating pulis na nasasangkot sa pagtutulak ng droga, ayon sa ulat kaninang umaga (Abril 9) ng isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang pahayag na ginawa ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr. ay kasunod nang isinagawang raid sa isang drug den sa Maguindanao nitong Abril 5, na kabilang sa naaresto ay si PO1 Norhaya Solaiman, 29, dating babaeng police officer na nadeklarang absent without official leave (AWOL). Ang drug den ay pag-aari ng isang Charito Carim, alias Daday, 51.

Kasama ni Carim si Solaiman nang masukol ng PDEA Regional Office Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) sa ilalim ni Director Yogi Filemon Ruiz matapos na pagbentahan ng sachet shabu ang isang  poseur-buyer.

Narekober din sa pag-iingat ng suspek ang isang puting canister na naglalaman ng 46 na sachets ng shabu, mga aluminum foil strips, limang improvised lighters at kerosene lamp na ginagamit sa paghithit ng shabu.

Ayon kay Undersecretary Cacdac, ang pagkakahuli kay Solaiman ay pangalawa na sa mga AWOL police officers na naaresto sa loob lamang ng tatlong araw.
Una nang mahulog sa kamay ng Pdea operatives ang isa ring pulis na AWOL sa isang buy-bust operation sa Taguig City noon namang Abril 2.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>