DAHIL sa matinding minit ng panahon, umabot na sa may 12 pasyente ang isinugod sa Quirino Memorial Medical Center dahil sa heat stroke habang isa ang iniulat na namatay mula sa Bureau of Jail Management and Penology sa Quezon City.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Dr. Jojo Mercado, tagapagsalita ng QMMC, at kinumpirma din nito na ilan sa mga pasyente ay nasa kritikal na kalagayan Emergency Room dahil ang iba ay kinakitaan ng pagputok ng ugat sa kanilang utak, pagbabara ng ugat dahil sa cholesterol at ang ilan ay may matataas na blood pressure
Samantala, kinumpirma naman ni Jail Inspector Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP na namatay si Jail officer 2 Fernando Rivas na nakatalaga sa Quezon City jail dahil rin sa matinding init ng panahon
Sinasabi ni Solda na bigla na lamang daw natumba si Rivas habang ito’y nakaduty noong linggo ng madaling-araw at sumuka na ng dugo, at pinaniniwalaan nilang inatake sa puso bagamat nagawa pa nilang maisugod sa pagamutan subalit agad ding binawian ng buhay
Kaugnay nito, pinayuhan ni Dr. Mercado ng QMMC ang publiko laluna na ang mga may edad na, na kung wala rin lamang importanteng gagawin ay manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay para makaiwas sa heatstroke dulot ng matinding init ng panahon.