ISINULONG ngayon ni Davao Rep. Karlo Alexei Nograles ang pagkakaroon ng programa sa mga paaralan ukol sa maaagang pagkakadiskubre ng unang senyales ng depresyon sa mga estudyante.
Sinabi ng mambabatas na kailangan na itong isakatuparan bunsod ng mga sunud-sunod na pagpapakamatay ng mga estudyante dahil sa suliraning kinakaharap sa mga eskuwelahan gaya ng kawalan ng matrikula sa sekundarya at kolehiyo.
Giit ni Nograles na nakakalungkot ang insidente nang pagpapakamatay ng dalawang estudyante dahil sa problema sa eskuwelahan.
Kailangan aniyang maiwasan na ang mga ganiton g insidente kung kaya dapat ng ipag-utos sa mga paaralan ang regular na psychological assessment sa mga estudyante na kasama sa graduating class na ang pamilya ay kabilang sa low-income levels.
Banggit pa ng kongresista na maraming mga paaralan sa kolehiyo ang may sariling in-house psychologist na nagbabantay sa Student Affairs Office o medical clinics, subalit wala namang programa na magsasagawa ng pagsusuri sa psychological profile ng bawat estudyante.