WINAKASAN ng isang mister ang sariling buhay sa pamamagita ng pagbigti matapos na iwanan ng kanyang misis sa Caloocan City, Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Romeo Dela Cruz, 35-ayos, ng Franville 2 subd., Bagong Silang, ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang makitang nakabigti ng electrical cord ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ng kanyang pamangkin na si Danilo.
Hindi na nagawang madala sa ospital ang biktima dahil wala nang hininga.
Nabatid na noong nakaraan linggo ay iniwan ang biktima ng kanyang asawang si Cathey dahil umano sa pananakit, paglalasing at paggamit ng droga ng una.
Huling nakitang buhay ang biktima kamakalawa ng gabi na nakikipag-inuman hanggang sa makitang patay na.
Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagpapakamatay ng biktima.