Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Namboso sa magdyowang naglalampungan sa dyip, kinatay

$
0
0

BAGO nalagutan ng hininga, naisalarawan ng isang lalaking nakahandusay sa bangketa ang sumaksak sa kanya nitong Linggo ng gabi (Abril 7) sa Quezon City.

Ayon sa saksing si Joe Martelino, residente sa Barqangay Pag-Asa, Q.C., bago namatay ay naibulong pa sa kanya ng hindi nakikilalang biktima ang lalaking sumaksak sa kanya at inilarawan itong nakasuot ng maong shorts at puting t-shirt.

Bukod naman dito, may nakita rin ng mga footprints sa bangketa na may bahid na dugo at ang ipinangsaksak na kitchen knife na pinaniniwalaang mula sa suspect.

Natuklasan ang krimen dakong 10:30 p.m. sa gilid ng isang pampasaherong jeep na nakaparada sa Barangay Pag-Asa.

Ayon naman sa isang barangay tanod na si Amado Cabotutan, bago rito ay may napansin silang naglalampungan ng isang lalaki at babae sa loob ng nakaparadang jeep.

Pero ilan sandali lamang ang lumipas, bigla na lamang natagpuang naghihingalo ang biktima na yakap-yakap pa nito ang kanyang bag na may laman na mga pambabaeng gamit.

Hinala ng pulisya na posibleng napagkalaman lamang na namboboso ang biktima sa pagroromansahan ng magnobyo sa loob ng dyip kaya bilang buwelta ay pinagsasaksak ito ng lalaking suspect.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>