STRIKE-FREE ang unang tatlong buwan ng 2013
Ito ang ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagiging mapayapa at estabilisadong kalagayan ng mga industriya sa bansa.
Sa report ni Reynaldo R. Ubaldo, executive director ng National Conciliation and Mediation Board o NCMB kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, strike-free ang unang tatlong buwan ng 2013 .
Ito aniya ang ikalawang taon na walang nagaganap na strike sa mga pagawaan o mga kumpanya.
Naniniwala ang kagawaran na naiwasan ang mga strike at kaguluhan sa panig ng mga manggagawa sa pamamagitan umano ng maaga, epektibong pakikipag-usap sa mga stakeholder upang maiwasan ang anumang sigalot.
“We did this through the provision of timely, efficient, and effective conciliation-mediation services to parties involved in potential or brewing labor disputes,” sabi pa ni Ubaldo.
Binanggit din ng opisyal ang 24/7 conciliation and team/buddy conciliation na lumulutas sa tensyong namamagitan sa mga manggagawa at management.
“Threats of a strike also declined considerably, as notices of strike filed by unions continue to follow a downward trend”, paliwanag pa ni Director Ubaldo.
Ayon pa sa opisyal, umaabot sa 36 notice of strike ang natanggap ng NCMB regional branches sa unang kuwarter, mas mababa ng 14% sa 42 cases na naitala sa katulad na petsa noong 2012.
“There is a slight increase in workers involved in new notices of strike, though, hinting that bigger companies are the targets of fresh strike threats. Some 5,334 workers are involved in the 36 NS cases received during the first quarter of 2013, 2% more than the 5,230 workers involved in the 42 cases docketed in similar period in 2012”, sabi pa ni Ubaldo.
Upang maiwasan naman, aniya, ang pagkabalam ng operasyon ng mga kumpanya ay patuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa management at labor force.