APEKTADO ngayon ng tagtuyot ang dalawang bayan sa Ilocos Norte.
Tinukoy ni provincial agriculturist na si Mrs. Norma Lagmay na apektado ng tagtuyot ang bayan ng Vintar at Bacarra.
Bunsod nito, magsasagawa ng Provincial Agriculture Office ng emergency meeting sa mga magsasaka at opisyal ng National Irrigators Association sa mga nasabing bayan upang ma-review ang cropping calendar para maiwasang maapektuhan ang kanilang mga pananim.
Iminumunngkahi rin sa mga magsasaka na huwag munang magtamin ng palay upang ‘di masayang ang kanilang hirap at puhunan.