ISANG taon na ipagbabawal ang mga scuba diver sa pinagsadsaran ng USS Guardian sa Tubbataha Reef.
Kinumpirma ito ng pamunuan ng Tubbataha Management Foundation.
Ipatutupad nila ang 500-meter radius off limit zone mula sa napinsalang reefs ng Tubbataha.
Sinabi ni Angelique Songco, executive director ng Tubbataha Management Foundation, na layunin nitong mabigyan ng pagkakataon na manumbalik ang buhay sa eco-system sa lugar.