POSITIBO ang mga kongresista na magiging matagumpay ang trabaho ng transition commission para sa Bangsamoro entity.
Sinabi ni North Cotabato Rep. Jesus Sacdalan, chairman ng House Committee on Peace, Reconciliation and Unity, na malawak ang karanasan ng 15-member transition commission na karamihan ay mga Moro leaders.
Kasunod ito ng paglulunsad at pagsasagawa ng kauna-unahang pagpupulong ng transition commission noong nakaraang linggo.
Ang komisyon ang siyang bubuo ng basic law para sa itatatag na Bangsamoro political entity na ipapalit naman sa Automous Region in Muslim Mindanao.
Nakatakdang tapusin ang draft ng panukala bago matapos ang taon dahil target gawin ang plebisito sa 2014.
Kumpiyansa si Sacdalan na susuportahan ng mga mambabatas ang magiging proposal ng transition commision sa sandaling isumite ito sa Kongreso.