INILUNSAD ngayon ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) ang ika-2 taong medical and dental mission para sa mahihirap na residente ng District 5 at mga kapulisan ng MPD.
Ito ay ginanap mismo sa compound ng MPD headquarters sa U.N,Taft Ave., Maynila.
Katuwang ng MPD-Press corps sa nasabing proyekto ang Kamanggagawa Foundation Inc., UNTV, Daniel Razon at Bro.Eli Soriano ng Dating Daan.
Nagpakita rin ng suporta si Ret. MPD PC/Supt. Alex Guttierez, at National Press Club President Benny Antiporda.
Sinabi ni MPDPC President Bening Batuigas, sakop ng medical at dental mission ang may limang barangay nasa paligid ng MPDPC Headquarters, mga pamilya ng MPDPC reporters at photographers, gayundin ang mga miyembro ng MPD.
Layon, aniya, ng nasabing proyekto na matulungan ang mga mahihirap na residente at mga pulis Maynila na kapit bisig ng mga mamamahayag sa pagkalap ng balita.