Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

PPCRV mananatiling citizen’s arm ng Simbahan sa halalan sa Mayo

$
0
0

NILINAW ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mananatiling citizen’s arm ng Simbahang Katoliko sa May 13 midterm elections ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ito ang inihayag ni Monsignor Joselito Asis, secretary general ng CBCP, kasunod nang pagkalas ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) at ng Lipa Archdiocese sa PPCRV.

Ayon kay Asis, tuloy pa rin ang trabaho ng PPCRV sa mga diocese, na taliwas sa mga ispekulasyon na nawawala na ang suporta ng mga lider ng simbahan sa PPCRV dahil sa kwestiyon sa kredibilidad nito.

“The mandate of the PPCRV as citizen’s arm of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines for the election remains the same,” pahayag pa ni Asis.

Naniniwala rin si Asis na epektibo ang pagbabantay ng PPCRV sa halalan. “So far, since its creation, the PPCRV has been effective in poll watching.”

Sa kabila naman nito, aminado si Asis na nasa kamay pa rin naman ng mga lokal na obispo kung nais pa ng mga itong makipagtulungan sa PPCRV o mag-organisa ng sarili nilang poll watchdog team.

Inihalimbawa nito ang Cebu-Citizens’ Involvement and Maturation in People’s Empowerment and Liberation (C-Cimpel), na political education service arm ng Cebu archdiocese.

“The PPCRV respects the decision of other dioceses. You can’t insist that. Like in Cebu… they don’t have PPCRV because they organized their own,” pahayag pa ni Asis.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>