Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Comelec officials nahaharap sa impeachment

$
0
0

MALAKI ang posibilidad na ma-impeach ang mga opisyal ng Commission on elections (Comelec) kapag tuluyang na-disinfranchised ang mga migrante.

Ito ang babala ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino matapos makumpirma sa kaniyang pagdalaw sa Hongkong ang kakapusan ng PCOS Machines at mga balota para sa overseas absentee voting.

Babala ng kongresista na maituturin g na impeachable offense kapag hindi nakaboto ang mga overseas Filipino workers dahil sa mga nabanggit na dahilan.

“The outright disenfranchisement of our citizens is a betrayal of the public trust which is an impeachable offense. It is preposterous for the Commission on Elections (Comelec) to succeed in expanding the Overseas Absentee Voting (OAV) when in Hong Kong alone they reduced the number of PCOS machines from 22 to nine (9),” ayon kay Casino.

Naunang ipinaabot na ng COMELEC sa mga Filipino community sa Hong Kong na habang dumarami ang bansang nasasakop ng OAV ay magbabawas din ang komisyon ng bilang mga PCOS machines ng hanggang sa siyam lamang.

“This is especially problematic because the registered voters in Hong Kong have increased to 122,820 from 95,000 in 2010. I wonder how Comelec derived that 9 PCOS machines will be enough when the Filipino community itself has been protesting the move,” sinabi pa ng kongresista.

Ang mga OFW ay binibigyan ng hanggang 30 araw upang makaboto lalo pa’t sa Hongkong ang mga OFW ay libre lamang sa tuwing araw ng linggo.
Nitong 2010, may 6,000 migrantw  ang bomoto o tumugon sa OAV at pinangangambahang ito ay bababa pa dahil sa pagbabawas ng PCOS machines at libu-libong OFW ang tiyak na hindi makaboboto.

Dahil dito umapela si Casino sa COMELEC na dagdagan ang voting centers overseas, lalo na sa Hong Kong, Middle East at Australia kung saan ang mga botanteng Pinoy doon ay kailangan pang maglakbay ng daan-daang kilometro upang makapagparehistro lamang.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>