NAHUKAY ang may 23 pinaniniwalaang World War II vintage bomb sa isang construction site sa Dagupan City sa Pangasinan, kahapon, Huwebes.
Inireport naman agad sa pulisya ng mga construction worker na naghuhukay sa isang rehabilitation center ang mga nadiskubreng bomba.
Natagpuan ang bomba sa naturang lugar na tatayuan ng isang canteen, ayon pa sa ulat.
Ikinostudiya naman agad ng Dagupan City police at ng local Special Weapons and Tactics (SWAT) teams ang mga naturang bomba para sa kaukulang disposisyon.