TODAS ang isang misis makaraang saluhin nito ang saksak na dapat ay para sa kanyang mister sa Palo, Leyte.
Nabatid na pinasok ng hindi nakilalang lalaki ang bahay ng mag-asawang Joanne Labaris, guidance councilor ng Eastern Visayas State University (EVSU) at mister nitong si Diotolyo Labaris, electrician ng nasabing paaralan.
Nang Makita ng ginang na sasaksakin ang kanyang mister ng suspek ay agad itong pumagitna dahilan upang siya ang masaksak na nagresulta sa agaran niyang pagkasawi.
Kasalukuyang namang ginagamot sa Leyte Provincial Hospital (LPH) si Diotolyo bunsod ng mga natamo nitong sugat sa katawan.
Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpaslang at ang pagkakakilanlan ng suspek.