Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Supporter ng mga Tinga binistay ng bala

$
0
0

BINAWIAN nang buhay habang ginagamot Taguig-Pateros District Hospital ang empleyado ng Taguig City Hall at sinasabing political supporter ni mayoralty bet Rica Tinga matapos pagbabarilin Biyernes ng hapon.

Ayon sa Investigation and Detective Management Section ng Taguig City police, namatay si Jeff Gabriello Minglana, 44-anyos, taga-Better Living, Parañaque City, dahil sa tinamong apat na fatal gunshot wounds.

Lumalabas sa imbestigasyon na papauwi na sa kanilang bahay si Minglana nang ratratin sa tapat ng Heavens Door Academy sa Upper Bicutan.

Agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Napag-alamang si Mingla ay kasalukuyang empleyado sa city hall at dating department head ng Business Permit and Licansing Office ng dating mayor ng lungsod na si Freddie Tinga.

Tumatakbo ngayon sa pagka-mayor ang kapatid ni ex-Mayor Tinga na si Rica Tinga na sinusuportahan din ng biktima.

Habang nagluluksa ang mga kaanak at kaibigan ng yumaong biktima, patuloy naman sa pagsisiyasat at pangangalap ng karagdagang impormasyon ang awtoridad upang matukoy at madakip ang suspek.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>