TODAS ang isang katiwala makaraang matusta sa sunog sa binabantayan nitong bahay sa Violet St., Midtown Village, Barangay San Andres sa Cainta, Rizal.
Natagpuan ang bangkay ni Reynaldo Tapio, 31, sa isa sa mga kwarto ng nasunog na bahay na pagmamay-ari ng isang Patrick Pareño.
Nagsimula ang sunog bandang alas-7:52 ng gabi na umabot sa unang alarma at alas-8:23 naman ng gabi nang ideklara itong fire out.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad at patuloy na tinutukoy kung ano ang pinagmulan ng apoy at magkano ang halaga ng pinasala nito.