KULONG ang isang 24-anyos na guro makaraang manapak ng magsyotang menor-de-edad sa Quezon province sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang inaresto na si Herbert Ratio, ng Barangay 9, Lucban, habang itinago naman sa mga pangalang Edna at Roy ang magkasintahan.
Sa imbestigasyon, sakay ng trike ang magkasintahan nang bumaba sa harapan ng noon ay lasing na si Ratio.
Sa hindi malamang dahilan ay nilapitan sila ni Ratio at unang sinampal ang babae.
Nang komprontahin ng nobyo ang guro sa kanyang ginawa ay siya naman ang sinapak ng guro.
Sa presinto, inamin ng guro na dala lamang ng labis na kalasingan kaya nya nagawa ang nasabing aksyon.