KAHIT wala pang namomonitor na pagkilos mula sa North Korea ay iniumang na ng South Korea at Amerika ang kanilang barkong pandigma at sea-based radar sa North Korean coast.
Ito ay bilang sagot na rin sa banta ng Pyongyang na giyera laban sa South Korea ayon sa pagkumpirma ng Pentagon.
Kasunod nito, nagbitiw ng salita si White House Press Secretary Jay Carney na puro dakdak lang ang North Korea at wala naman silang nakikitang aksyon na paninindigan nila ang kanilang banta.
“I would note that – despite the harsh rhetoric we’re hearing from Pyongyang – we are not seeing changes to the North Korean military posture, such as large-scale mobilizations and positioning of forces,” ani Carney.
Bukod sa mga ipinadalang stealth fighter jets ay nakatakdang dagdagan pa ng Amerika ang pagde-deploy ng B-2 stealth bomber planes na may kakayahang magdala ng conventional at nuclear weapons.