BIBIGYAN ng libreng sakay ang mga beterano sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) mula Abril 5 hanggang Abril 11.
Ito ay batay sa memorandum na inilabas ni Transportation and Communication (DOTC) Undersecretary Eduardo Oban na ilibre rin ng sakay sa MRT at LRT ang mga umaalalay sa beterano.
Para makalibre, ipakita lamang ang ID mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) maging ng kanilang kasama.