NANGUNA sina San Juan City Rep. JV Ejercito Estrada at Senator Loren Legarda sa may pinakamalaking gastos sa pagpapalabas ng pol ads ayon sa inilabas na talaan ng Commission on Elections (Comelec).
Matatandaan na ayon sa Comelec Resolution 9615 at 9631, 120 minuto lamang ang ibinibigay na pol ads sa TV at 180 minuto naman na airtime limits sa mga politiko.
Sa ngayon, si JV ay may 26 minuto na, habang sa radio ads naman ay si Sen. Legarda ang nangunguna na may 44 minutes mula lamang nitong Pebrero Marso 22, 2013.