MARAMI ang hindi makapaniwala sa kanya-kanyang post ng photo nina Ara Mina at Cristine Reyes sa kani-kanilang Instagram account noong April 1.
Ipinost kasi ng magkapatid ang kanilang mga larawan na masaya na naman habang magkasama.
Sa picture na inilabas ni Ara, may caption ito na “Just like the rainbow after the rain. A good thing will always happen after you experience the pain…. #sisters #blood #forgiveness #happiness #reunited.”
Habang isang happy-looking na Cristine naman ang naglagay ng caption sa kanyang ipinost na photo na, “With the gift of listening comes the gift of healing….#appointedtime #blood #forgiveness #sisters #happiness.”
Nabatid na nagkabati ang magkapatid sa isinagawang family gathering makaraan ang isang taong alitan nila na umabot pa sa demandahan nang kasuhan ni Ara ng libel at grave coercion ang kanyang nakababatang kapatid para aniya turuan siya ng leksyon.
Matatandaang nag-ugat ang alitan ng dalawa nang singilin ni Cristine si Ara sa pagkakautang nito dahil sa binili nilang bahay para sa kanilang mommy.