HANDA na ang exit points para sa mga maaapektuhang Pinoy sakaling tuluyang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng North at South Korea.
Ito ang ipinahayag ng Department of Foreign Affairs para gamitin sa paglilikas ng mga Pinoy.
Nabatid na kung isasara man ang Gimpo at Incheon International Airport, maaaring magtungo sa Busan ang mga Pinoy kung saan mayroong seaport para sa kanilang agarang relocation.
Maliban sa Busan, maaari ring daanan ang Gimhae City sa South Gyeongsang Province.
Bagama’t nasa heightened alert ngayon ang embhada ng Pilipinas sa South Korea, tiniyak naman ng DFA na normal at kalmado pa rin ang sitwasyon sa Korean Peninsula.