PATAY ang isang lolo nang i-hostage ang kanyang dalawang apo sa Davao nitong Sabado, sa ulat ng pulisya.
Sa imbestigasyon, Sabado ng umaga nang basta na lang ikulong sa kuwarto ni Lolo Vincent ang kanyang dalawang apo, hawak-hawak ang isang kutsilyo.
Agad na humingi ng tulong sa awtoridad ang ina ng mga biktima, pero matapos ang apat na oras ay tangkang lumaban ng suspek kaya siya napatay ng mga rumesponding awtoridad.
Nailigtas naman ang mga bata.
Nabatid na may sakit sa pag-iisip ang suspek, at paulit-ulit na sinasabi nitong kailangan niyang ikulong ang mga bata dahil may humahabol sa mga ito.