KUNG sa Metro Manila ay labis na init ang nararanasan, sa Mindanao naman ay apektado ng low pressure area (LPA).
Ayon sa PAGASA, kahit hindi sa kalupaan ng Pilipinas babagsak ang nakitang sama ng panahon, posible naman itong magdulot ng pag-ulan sa ilang mga lugar sa Mindanao tulad ng Davao del Sur, General Santos City at mga karatig na lugar.