Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pinoys sa Korea pinag-iimpake na

$
0
0

NGAYON pa lang ay pinag-iimpake na ng Philippine embassy ang mga Pinoy na nasa South Korea bilang paghahanda sa oras na lumala ang tensyon laban sa North Korea na nagbanta ng giyera.

Ani Consul Rederico Atienza, bagamat handa na ang contingency plan at nasa normal pa ang sitwasyon sa nasabing bansa, mainam na rin aniya ang handa para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa pag-atake ng North Korea.

Kasunod nito, inabisuhan din ng embahada ang mga kababayan na manatiling kampante at regular na makipag-ugyanan sa community leaders maging sa embahada at laging mag-monitor sa sitwasyon.

Mainam na aniya ang nakahanda na ang gamit ng mga Pinoy tulad ng mga nakaimpakeng damit at pagkain upang madaling bitbitin sakaling lumala ang tensyon.

Pinawi naman ng Philippine embassy ang pangamba ng mga kamag-anak sa Pilipinas sa pagsasabing naghahanda ang pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga kababayan sa Korean Peninsula.

Nasa 42,000 ang bilang ng mga Pinoy na nasa South Korea, habang hindi pa mabatid ang bilang ng mga Pinoy na nasa sa North Korea.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>