MAGPAPATUPAD ng tapyas presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang LPG Marketers Association (LPGMA) matapos bumaba ang presyo ng naturang produkto sa pandaigdigang pamilihan.
Epektibo mamayang alas-12:01 ng madaling-araw ay magbabawas ng P1.00 sa presyo ng kada kilo ng kanilang cooking gas katumbas ng P11.00 sa bawat 11 kilograms na tangke ng LPG.
Inaasahan namang ang ilan pang malalaking kumpanya ng langis ay magpapatupad din ng kanilang tapyas presyo sa kanilang produkto na LPG.
Matatandaan na isang buwan na ang nakakalipas nang huling nagpatupad ng pagtapyas ang kumpanyang Petron ng 60 sentimos o P6.60 sa kada 11 kilograms na tangke ng kanilang ibinibentang Gasul at Fiesta Gas.