AWAY sa ari-arian ang sinisilip na motibo ng awtoridad sa pagpatay ng isang mister sa kanyang sariling misis sa Dagupan City kaninang umaga, Marso 31.
Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang namatay noon din na biktimang si Jenny Fong, 33, ng Rivera St., Dagupan City.
Tinutugis na para panagutin sa krimen ang suspek na si Gerald Fong.
Nabatod na bago ang krimen, nagtalo ang mag-asawa hinggil sa hatian sa mga ari-arian dahil nais nang hiwalayan ni Jenny ang kanyang mister.
Sa gitna ng pagtatalo, inilabas ni Gerald ang kanyang baril at saka pinagbabaril ang kanyang misis bago tumakas.