IKINULONG pansamantala sa airport sa Munich, Germany ang teen sensation na si Justin Bieber makaraang magdala sa naturang bansa ng alagang matsing na walang kaukulang permit.
Kinumpiska ng custom officials ang capuchin monkey na dala ng singer na kasama niya sa kanyang private plane.
“Justin Bieber brought his monkey to Germany, but had no official paperwork with him,” ani Thomas Meister, tagapagsalita ng customs office sa Franz Josef Strauss Airport sa Munich. “We were forced to confiscate the animal.”
Inilagay naman sa quarantine ang matsing habang pagbabayarin ng multa ang singer at maging ng quarantine fee.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Bieber sa naturang kontrobersiya.
Si Bieber ay kasalukuyang nagsasagawa ng kanyang European tour.