HANDA ang Pilipinas na ikasa ang contingency plan para tugunan ang external threats kabilang na rito ang missiles launch mula sa South at North Korea.
Ani Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio B. Coloma Jr., may nakahandang contingency plan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
“We maintain a posture of vigilance and adherence to diplomatic modes of conflict resolution,” ayon kay Sec. Coloma.
Sinabi naman ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na “updated” si Pangulong Aquino sa sitwasyon sa Korean Peninsula.
Sa katunayan ay inatasan nito ang DFA na tiyakin na ang embahada ng Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa Filipino community doon.
“For this reason, the Embassy is coordinating with Filipino community leaders on steps to be taken pertinent to the situation in the Korean Peninsula,” aniya pa rin.
Sa ulat, nagpahayag na ang Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) na pumasok na sila sa “state of war” kontra South Korea, na nagresulta ng matinding tension sa Korean Peninsula.
Ang naging hakbang ng Pyongyang ay matapos ipadala ng Estados Unidos ang B-52 strategic heavy bombers at B-2 stealth bombers sa South Korea para sumali sa war games.
Matatandaang ilang taon nang napaulat na nagpahayag ng pagdududa ang DPRK at Estados Unidos sa intension ng isa’t isa.
Sa kabila ng iba’t ibang ingay sa usaping ito ay marami pa rin ang naniniwala na malayong umigting ang giyera sa Korean Peninsula.