Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

PBA ex- import sa rehas nag-Kuwaresma

$
0
0

IMBES makapasyal sa magagandang tourist spots sa bansa, idinaos ni American basketball player at Rain or Shine import Jamelle Cornley sa loob ng kulungan ang Mahal na Araw o Kuwaresma.

Dahil sarado ang Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) noong nakaraang Miyerkules Santo matapos itong ireklamo ng panununtok ng isang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) at paninira rin ng mga gamit sa loob ng kanyang kuwarto sa Sir Williams Apartelle sa Timog Avenue, napiit si Cornley ng limang araw sa loob ng Criminal Investigation and Detection Unit CIDU sa Camp Karingal.

Makakapag-piyansa pa lamang si Cornley bukas (Abril 1), kapag inaprubahan ng QCPO na ang kaso laban sa kanya at isinampa na sa korte.

Sa panglimang area na pagkakakulong ng 25-anyos na Amerikanong basketbolista sa CIDU, itinanggi pa rin nitong sinapak niya si P02 Anselmo Lazatin ng Kamuning Police Station.

“He says he did not punch our police officer and he only pushed or shoved him. That is up to the prosecutor to determine,” pahayag ni case investigator SPO1 Cristituto Zaldarriaga.

Maalalang nitong Miyerkules Santo ng gabi, isinailalim sa pagsisiyasat ang dating import ng Rain or Shine team ng  Philippine Basketball Association sa kasong malicious mischief, direct assault, resisting arrest and disobedience to a person in authority—na pawang bailable offenses.

Gayunman ang direct assault charge, ay pansamantalang pinigil para sa magkasa pa ng mas malalim na imbestigasyon pero sinabi ni Zaldarriaga na kukuwestiyunin niya ito sa Lunes.

Sinabi ni Zaldarriaga na nag-fax na siya ng ulat sa kaso ng  American cager sa US Embassy nitong Huwebes ng umaga matapos ang inquest proceedings.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>