NGAYONG araw na ang simula ng pagmamanman ng Comelec sa mga bawal sa lokal na kampanyahan at bukas naman, Sabado, Marso 30 ang simula ng pangangampanya.
Dapat ay Marso 29 ang simula ng local campaign period ngunit dahil natapat ito sa Biyernes Santo kaya iniurong ng isang araw.
Ani Comelec Chairman Sixto Brillantes, ang paglabag sa kanilang inilabas na campaign rules ay kanilang bibilangin saka sasampahan ng kaso ang lumabag na local politicians.
Umaabot sa 44,532 local candidates ang tumatakbo ngayon para sa pagkakongresista, gobernador, bise gobernador, bokal, alkalde, bise alkalde, kagawad at ARMM officials.