DALAWA ang patay sa naganap na bakbakan sa pagitan ng mga militar at rebelde sa isinasagawang station of the cross sa Sitio Iyao, Brgy. Anticala sa Butuan kanina.
Kinilala ang mga biktima na ang isa ay miyembro ng 3rd Special Forces ng Philippine Army na si Ariel Daug Anduhuyan, ng Sitio Tagkiling, habang ang isa ay kaka-graduate lamang sa kanyang training sa Special Civilian Active Auxilliary (SCAA) na si Ernie Darasin, nakatalaga sa Station 3.
Sa imbestigasyon, alas-5:20 kaninang umaga nang magsimula ang putukan sa pagitan ng mga rebelde at operatiba ng pamahalaan sa mismong venue ng isinasagawang station of the cross.
Nabatid na papunta na ang mga deboto sa Station 2 ng “way of the cross” nang magkagulo dahil sa palitan ng putok ng baril ng magkabilang grupo.
Matapos ang bakbakan ay bumulagta ang dalawang biktima.
Agad namang nag-deploy ng karagdagang mga pulis sa lugar.