SA Linggo na ipagpapatuloy ng United Nationalist Alliance (UNA) ang panunuyo sa mga botante kasabay nang paglulunsad nila sa kandidatura sa pagka-alkalde ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Maynila.
Kasama si Erap na haharap sa publiko sa proclamation rally na gagawin ng UNA sa Liwasang Bonifacio sa Linggo, alas kwatro ng hapon.
Si Erap ay kakalabanin ang kasalukuyang mayor ng Lungsod na si na Alfredo Lim.